Friday, December 22, 2006

DEAR 2006

Dear 2006,

“Bilang na ang oras mo!” Sabi ni FPJ sa sangkatutak na kontrabidang pinatumba niya sa pelikula. Yan din ang sasabihin ko sayo ngayon taong 2006 dahil ilang araw na lang tapos ka na. Katulad ng mga kabarkada mong sina 2005, 2004, 2003 at kung sinu-sino pang mga 200, magiging parte ka na lang ng kasaysayan “in a matter of few days,” ikaw nga ng mga whatevs peep.

Sa totoo lang, okay ka naman para sa akin pare. Kung may yearend report ako, pasado ka. Siguro mga 80 to 85 ang ibibigay ko sayong grade. Una, nagkaroon ako ng maayos na trabaho, di tulad ng pinanggalingan kung kumpanya, na isang certified kapitalista. Kahit naman di ako yayaman sa sweldo ko ngayon, okay pa rin dahil nabiyayaan ako ng mabubuting katrabaho. Bonus pa yung dream job ko na "office work" at magtrabaho sa opisinang nasa loob ng mall.

Sa larangan naman ng pananalapi o ekonomiya ayos ka rin dahil nakapag-save na naman ako ng pera at mejo nakarecover na ako sa Financial Crisis na dinanas ko last year dahil sa mababang pasahod ng kapitalistang maihahalintulad mo sa Kapamilyang walang puso, atay at balunbalunan.Kahit na di ako tumama sa lotto, panalo ka rin 2006...sa pananalapi

Sa aspetong kalusugan naman. Pasang-awa ka lang. Ilang beses mo ba naman akong binigyan ng ubo,sipon at lagnat. Bukod pa yan sa manaka-nakang pagsakit ng aking atay at ang throat infection na dumali sa akin noong October. Pero ayos na rin dahil hindi ako nasugod sa ospital at mukhang healthy naman ang members ng Ongchap family.


Eh sa pag-ibig kaya? Ay naku, eto ang humila ng grade mo ‘teng. Kahit na marami-rami rin ang na-date kong chikas, isa lang ang masasabi kong ayos. Malas lang, hindi nag-prosper at nawala pa. Pero okay na rin dahil natuto akong umibig muli sa huling tatlong buwan ng buhay mo dito sa mundo. Yun nga lang sa may boyfriend at bigla pang nawala. (disclaimer: sa mga nag-iisip ng kung anu-ano, hindi kami same dept okay?) Hay, kala ko pa naman 2006 na ang first year ko na hindi magiging malamig ang pasko, pero ayun, ganun pa rin, -10 degrees pa rin sa lamig. Same as the past 25 years ko dito sa earth.

Kahit na ganyan ang nangyari, salamat pa rin 2006 dahil you still have been a blessed year. Huling hirit na lang pre, sana pag nagkasalubong kayo ng successor mong si 2007 sa December 31, baka pwede mong pakiusapan na gawin maganda ang pagsasama namin next year.

O siya, 2006, Tenk you ha? Sana maging okay ang mga huling araw ng pagsasama natin! I'll miss you, naks :)


Lubos na gumagalang,

Chaps

Funny? quote of the week:
If symptoms persist, insult your doctor.