Sunday, February 24, 2008

Kwentong EDSA 1

"Handog Ng Pilipino" Video. Source: Youtube account of Jim Paredes



Dalawamput' dalawang taon na ang nakakalipas. Naalala ko pa noon. Four years old pa lang ako. Bagaman hindi pa malinaw ang mga pangyayari sa akin, alam kong may nagaganap na malaking "balita" ukol sa bansa. Walang klase noong mga panahong iyon kaya naman ako'y tuwang-tuwa sa paglalaro ng mga tau-tauhang sundalo ko. Ang kwento ng aking munting laro noon ay halin-tulad sa mga napapakinggang balita ng aking nanay sa radyo - may mga sundalo raw na sumasakop sa channel 4 habang milyon-milyong tao ang nagtitipon sa EDSA. Habang tutok na tutok ang aking nanay sa pakikinig, tutok na tutok din ako sa mga tautahang sundalo na "tinutulak" ko papasok sa butas ng ilalim ng aming tukador na ginuhitan ko ng numberong 4. Naalala ko rin ng mga panahong iyon na ginagaya namin ng aking kuya at ate ang mga nababalita sa radyo. Kunwari reporter si ate at binabalita ang rally sa EDSA. Kami naman ng kuya ko ay nagsasalita sa background ng "Rally, Rally, Rally...." Nirecord pa namin ang aming mga boses sa cassette tape recorder at paulit-ulit na pinapatugtog habang nagtatawanan.

Late '90s na nang lubos kong naintindihan ang pangyayari sa EDSA. Ang buong kahulugan ng pagtutulungan ng Pilipino para magkaroon ng tunay na pagbabago ang bansa. Kakaiba at nakakabilib ang nangyari noong February 22-25, 1986 kaya siguro tuwing People Power anniversary, gustong gusto ko itong balik-balikan. Pinapanood ang mga nirecord kong documentary katulad ng "Batas Militar" at ibang pang EDSA docus. At paulit-ulit na pinapatugtog ang "Handog Ng Pilipino."

Ang pagkakaintindi ko sa magandang layunin ng EDSA one ang nagtulak din sa akin na sumama sa EDSA dos at hindi lang tumambay sa bahay at muling maglaru ng tau-tauhan o magpanggap na rallyista sa bahay.

Ngayon, may nananawagan na naman ng panibagong People Power dahil sa kasulukuyang gulong kinakaharap ng babaeng Marcos sa MalacaƱang. Ang tanong, sasama ba ako ulet sa panibagong edsa? Oo.

Alam kong marami na ang tinatamad na kumilos para sa isa pang People Power. Pero hahayaan na lang ba nating na ganun na lamang?

Palitan na ang dapat palitan.

Hindi tayo dapat tumigil hangga't hindi tuluyang nababago ang takbo ng ating bansa. Kung meron mang dapat sisihin kung bakit wala nang tiwala ang tao sa People Power ay tayong lahat. Hindi natatapos ang lahat sa isang People Power. Hindi dahil napatalsik na natin ang isang tiwaling pangulo, ay sapat na iyon para tayo’y maniwalang mababago na ang ating bansa. Ang pagbabago ay hindi lamang dapat sa pamahalaan kungdi sa ating bawa’t isa. Hindi natatapos ang lahat sa pagpapakita na tayo nagkakaisa. Dapat ay magkaisa rin tayo sa pagbabantay sa ating bansa, responsibilidad natin ito.

Kung magkaroon man ng bagong EDSA, sana hindi na muli itong masayang at baka tayo'y maakusahan na ng pangagahasa sa EDSA People Power spirit.

Naalala mo pa ba ang EDSA 1?



Most memorable photos of the EDSA People Power Revolt

Wikipedia entry on EDSA 1







Tuesday, February 12, 2008

Hellow!

It's been almost a year since wrote something "meaningful" in my wonderful blog. So here I am saying hellow to my avid fans and readers! Yes! I'm back...not to write a lengthy entry but just to say Kamusta!

I might write a lengthy entry very soon so keep coming back. It could be another anti-Arroyo post or a scandalous revelation about my life just like the "What's in a name
( a self-centered blog entry)." Or even a pang nobel-peace prize entry! Basta I'll write soon :D

Happy New Year!

Chaps